Street child
Monday, December 8, 2008
Bigla akong napahinto at natigilan. Hindi ko akalain na isang buhay at humihingang bata ang pakalat-kalat sa isang abalang kalye sa Iloilo City. Hindi na bago ang mga aeta sa lungsod pero nakakalungkot pa ring isipin ang kalagayan ng mga ito.
Sabi sa aking ng isang kausap na tagapamahala ng SOS Children’s Villages sa Iloilo, wala silang magagawa para sa maga batang ito. Walang aetang magulang ang namimigay ng kanilang anak. Kahit anong mangyari, kahit anong hirap sama-sama ang buong mag-anak.
Akala ko, wala siyang kasama habang pagapang-gapang sa maruming kalye, naruon pala ang kanyang ate. Inaantay daw nila ang pagbabalik ng kanilang magulang mula sa pagbebenta ng walis tingting. Hindi pala siya nag-iisa.
Hindi tulad ko.
Hindi ako nakatiis, pagkatapos kong kunan ng litrato, inabot ko ang pack lunch na ibinigay lang rin sa akin. Kinalong siya ng ate nya at sinubuan. Mukhang wala pa silang kain.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




:( ….kung mayaman lang ako. kaso meron ding iba na abuso na pag natulungan. nakakaawa.. nakakainis… meron dito ate, kung san ako nag aabang ng jeep pauwi, isang batang babae, unang nilapitan ako last year ata. bilhan ko raw sya ng kandila. e, kakabili ko lng ng kandila sa kasama nya. tapos biglang nagtanong kung may lapis ba raw ako. kasi maliit na lng ung lapis nya. wala akong maibigay. kaya nung sumunod na araw, hinanap ko talaga ung bata para bigyan ng lapis… sobrang saya nung bata! sarap ng pakiramdam.
Posted by nessy at May 2, 2009, 3:06 pm