Sama-samang paglalakbay
Friday, September 26, 2008Waring nagdadalawang-isip kung tatawid, walang kasiguraduhan kung makamit ang nais para sa mga mahal sa buhay. Kahit hubad ang mga paa, maglalakbay at walang maaaring maging hadlang. Tatlong munting puso ang tangan, ang nagbibigay ng lakas at tiwala, ang gabay.
Wala nang sasarap pa sa isang paglalakbay kapag kasama ang mga taong siyang nagbibigay ng kulay sa mundong puno ng pasakit, hadlang at pag-aalinlangan. Nagiging manhid ang mga paa sa init ng daan, ang mahalaga, magkahawak ang kamay at magkasama sa paghahanap ng puwang sa mundo.
Aeta, Iznart Street, Iloilo City
Previous Comments
ateekkk!!!! hehehehe san-o gimik ta?
Posted by gustongmagingmanhid at October 3, 2008, 8:41 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





baskog!!! this is the best entry ever!
Posted by adelic at October 3, 2008, 3:00 pm