• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

gustong maging manhid

Sino nga ba ang misteryoso: ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod dun e wala nang iba? - Bob Ong, Stainless Longanisa

Home » Post Item » Brain drain

Brain drain

Thursday, April 3, 2008

Brain drain.
Una ko yang narinig sa English teacher ko nung high school. Eto daw yung pagsialisan ng mga professional, trained and talented individual para maghanap ng greener pasture sa ibang bansa. Binanggit ni Ma’am ang posibleng pagkaubos ng taong yaman ng Pilipinas pag patuloy ang madugong brain drain. Paano na raw kapag nagkasakit tayo at pagdating sa hospital hindi agad maasikaso kasi kulang sa doctor o nurse. Paano raw magkaroon ng mga doctor, nurse, teacher kung ang mga guro ay aalis para mging DH sa Hongkong, Kuwait o Singapore.
Ang ganda ng pagka deliver niya ng kanyang monologue na halos nahulog ang buong klase sa pangakong hindi iiwan ang Pilipinas  sa sandaling magtatapos kami sa college.


Next week, inabangan naming si Ma’am. Iba na ang teacher namin. Umalis na siya papuntang Hongkong para maging DH.
Brain drain. Capital flight ang parallel term sabi ng wikipedia.
Talamak pa rin ngayon ang sakit na yan sa bansa natin. Hindi nga lang napapansin sa  ngayon kasi parang normal na lang na mangibang-bansa.

Pumunta ka sa ibang bansa at nakawin mo ang yaman nila.
Hindi ko sigurado kung si Rizal nga may sabi nyan pero ang pagkakalam ko eh sya may sabi nyan o kung hindi man iyan ang eksaktong sinabi nya, parang ganun na rin ang dating.
Yan ang palusot ng mga makabayan kuno. Guilty ba sila sa pag-iwan sa bansang Pilipinas?
Kahit dati pa, hindi ko pinangarap na magtrabaho abroad lalo ang pagiging DH. I have nothing against sa pagiging DH. Sadyang tamad lang ako at ayoko na lagi akong nauutusan. Madalas nga akong masigawan ng nanay ko dahil sa katamaran ko.
Siguro kung gusto ko mag-abroad baka Nursing tinapos ko ngayon. Pero hindi, 3 sems lang at nagquit ako. Alam ko, disappointed parents ko dati. Uso nursing nung early 90s. At halos lahat ng grumaduate ng nursing na ka batch ko nasa labas ng Pilipinas.

The lure of wealth and opportunity elsewhere leaves labor-exporting economies in a self-reinforcing bind: How to develop when the best and brightest routinely set out in search of greener pastures?

"These attractive, developed countries poach talent from less developed countries like sharks in the water. Who owns the problem? The individuals, the sovereign nations, or international bodies?" (Who’s to Blame for Brain Drain? By Matthew Hennessey)

Hindi ko na masasagot yan kasi komplikado. Pero tanong lang, sino dapat kong sisihin sa pag-alis ng dalawa kong kapatid na ngayon ay katulong ng mga Intsik?

Naunang umalis si Jean last year. Siya yung baby ng pamilya, bunso sa babae. Wala sa personalidad ang pagiging katulong. Sosyalera kasi. Pero nung magdesisyon siya na mag apply bilang DH sa Singapore, hindi siya pinigilan ni Mama. Kung ako lang, bakit pa? May matino siyang trabaho, secretary sa isang school sa amin.
Naiisip ko, kakayanin ba niya?
Umalis din siya, hindi na namin pinigilan. Kailangan niyang paghandaan ang buhay ni AJ, anak niya.

Ang kaba ng pamilya: Maltrato sa mga Pilipinang DH. Baka maltratuhin siya. Parang hindi naming kayang tanggapin na ang kapatid mo ay tratuhing parang hayop, na sa bahay namin may maayos na buhay.
Awa naman, naging maayos lagay niya. Aside from complaints niya na late siya nakakatulog o kaya panay utos ng amo nya sa kanya, parang parte na rin siya ng pamilya ng kanyang amo.
Hindi pa dyan natatapos, bago lang April 3 to be exact, 2pm ang flight ni Totit pa Singapore din, DH.

“Alaagaan mo sarili mo jan ate” – text nya bago ang flight niya.

Ako ang dapat magsabi sa kanya na alagaan niya ang sarili niya kasi malayo siya sa amin katulad ng lagi ko ring text kay Jean.
Bago kasi umalis si Totit, siya dumamay sa akin sa problemang kinaharap ko. Ilang bese ko sinabi sa kanya ng time na yun na parang hindi ko na kayanin. Kaya siguro nireremind niya ako na alagaan ang sarili ko dito kasi wala ng Totit na tatakbo para saklolohan ako uli!

Nalungkot ako.
Nalungkot ako sa ideya na dalawa sa kapatid ko ang malayo na sa amin.
Naalala ko ang late-nights kwentuhan at kulitan namin sa maliit na kwartong pinagsaluhan namin. Ang hanapan ng gamit sa kwartong magulo na parang school ground pagkatapos ng election. Ang awayan sa kung sinong susuot ng tshirt at hanapan ng pants. Ang tampuhan. Ang food trip sa gabi na inaabot ng madaling araw. Ang telebabad.
Iba na kasi, hindi na kami mga bata. May kanya-kanyang buhay na dapat ayusin, may future na dapat paghandaan.
Sana lang, sa pagpapaalipin nila sa ibang bansa, may magandang madulot sa pamilya, lalo na sa mga anak na iniwan nila para mag-alaga ng anak ng may anak.

Pagkatapos ko ibinalita kay Allan na aalis na nga si Totit, tinanong niya ako: “Ikaw, wala pud ka plano?”
Napaisip ako. Gusto ko rin mag-abroad. Pero para magbakasyon!

Tang’na! Bakit kasi kami mahirap? Sino kasi nagpauso ng DH? Bakit kasi may brain drain?
Katulad ng ibang may pamilyang nasa malayong bansa, iisipin ko na lng na pwede nila ako padalhan ng CP na new brand new at new model! (Toinks!)

 

 


big veda lungkot tanong
Posted by gustongmagingmanhid at 6:13 pm | permalink

Previous Comments

nice blog.
well marami na ngang naging DH sa ngayun.
amarami na kasi talagang naghihirap na pilipino.
ako nga rin eh.. napatanong. Bakit kaya kami mahirap?

Posted by Sheena Lim at April 9, 2008, 7:11 pm

marami nangingibang bansa dahil mahirap ang buhay, mahirap ang buhay dahil…. gagawa na lang ako ng sariling blog tungkol jan, mahaba-haba ang explinasyon ko eh… :)

Posted by VerPo at May 13, 2008, 4:37 pm

….siguro, marami ngayong nangingibang bansa kasi mahirap ngayon ang buhay sa pilipinas at gusto nilang maghanag ng pagkakakitaan sa pilipinas dahil wala naman silang makukuha dito sa pilipinas eh!!!!

Posted by francis desembrana at March 1, 2009, 7:30 pm

nice one! you made a very awesome explanation regarding Brain drain. thank you….

Posted by Paulo Ivan Leo D.M Mendoza at March 17, 2009, 9:16 pm

wag nating i-judge ang mga pilipinong nangingibang bansa.maraming factors kung bakit nito laganap sa bansa.halimbawa and isang doctor ay nakagraduate ng college ngunit walang nahanapang trabaho?mas maigi na nang konting mangibang bansa siya dahil kung wala siyang mahanapang pera,marahil magiging pabigat pa siya sa ating bansa!!!

Posted by Christian Pantaleon at December 8, 2009, 1:58 pm

nice one.! hahaa.. natulungan ako niyan para sa ipeperform naming talk show… about brain drain :)

Posted by gemimah at February 4, 2010, 7:45 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

     

April 2008
M T W T F S S
« Mar   May »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

mga nasa baul!

  • February 2010
  • January 2010
  • December 2009
  • October 2009
  • July 2009
  • April 2009
  • January 2009
  • December 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • July 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008
  • December 2007
  • November 2007
  • October 2007
  • September 2007
  • August 2007
  • July 2007
  • June 2007

huh?!?

B bad luck beer big veda black hole chongki day off Evan and Jaron good luck greks hate hawak kamay jeep kanta tayo! life lost mind love lungkot mad man mama oasis poem satan smile sulat tanong trabaho wala lang yosi youth

sino? ako?

sino? ako? kahit ako nga hindi ko pa gaanong kilala ang sarili ko. minsan pa, nakakalimutan ko pati pangalan ko. isa lang ang misyon ko sa buhay: ang makausap, magtanong, sumagot, makipag-away, makipagbati, dedmahin, magpapansin, ipakilala sa iba, makipagkilala sa sarili ko mismo. at habang hinahanap ko ang sarili ko, marami akong napapansin sa paligid ko, may nakakaiyak, nakakatawa, nakakainis, nakakaawa, nakakagalit at mga bagay, pangyayari o taong napansin ko at narealize na dapat ay hindi ko na pinag ukolan ng pansin. may matutunan kaya ako? mahanap ko kaya ang sarili ko? pwede bang maging manhid na lang ako?

ngayong-ngayon lang

  • my very own
  • why?... again
  • Greks' Poodle
  • Life
  • untitled 1

Sikat!

  • Brain drain (2939)
  • Orasyon (2216)
  • Bahaghari: Speaking universal issues through reggae (1401)
  • Close encounter with a couple embalmer (933)
  • Insomia (878)
  • Gustong maging manhid (816)
  • Alam mo na ba? (774)
  • The Satanic Verses (769)
  • Inggit Sa Paglaya (754)
  • Oist, beer pa! (732)
  • Bahay ni Lola (717)
  • i can’t wait forever (715)
  • No Filipino child should be left behind (670)
  • Black Hole (670)
  • Bigla na lang mawawala (670)
  • Ang tamang tao (657)
  • Day off (656)
  • Ode to the entities who taught me smoking (653)
  • Find me and let me go! (642)
  • Dog’s 2 ticks (632)
  • Song for Bing (627)
  • ayoko! (621)
  • Ngiti (615)
  • para sa’yo (611)
  • Katamad! (601)
  • A day in paradise (601)
  • Boring 329 (600)
  • Paghahanap (596)
  • I killed someone! (586)
  • Bing (552)

imaheng nakakulong

    

as of... i dunno!

kadikit!

  • milagro
  • ken's no return
  • private eye
  • cris' notes
  • think of me
  • javi
  • elmer
  • Onin's My Health Issues
  • Greks' World
  • sheik
  • nessy
  • adelle
  • tahn
  • anino
  • JP
  • hudas
  • leroy
  • glenpol
  • enday
  • tentay

silence kills me

  • gemimah: nice one.! hahaa.. natulungan ako niyan para sa ipeperform naming talk show... about brain drain :)...
  • gustongmagingmanhid: sad to say, andito pa hehehhe...
  • leroy/dedpish: kala ko wala na tong blog na to e. haha...
  • jj: palitan mu na pic jan...
  • Christian Pantaleon: wag nating i-judge ang mga pilipinong nangingibang bansa.maraming factors kung bakit nito laganap sa bansa.halimbawa and isang doctor ay nakagraduate ng college ngunit walang nahanapang trabaho?mas maigi na nang konting...
  • gustongmagingmanhid: yan ang tinatawag na real life.. dahil nasa totoong buhay tao, maaring ang naranasan ko o mararanasan ay naranasan mo na rin o mararanasan pa.. iba ibang sitwasyon, iba ibang...
  • gustongmagingmanhid: sori po, tao lang... salamat sa pagbasa ms. mchelle...
  • gustongmagingmanhid: walang ibang masabi kundi: SALAMAT LIZ!...
  • Liz: a salute for a brilliant mind.......
  • akosimat: galing po nito... kayo po ba nagsulat nito... para kasing tumutugma ito sa mga pinagdadaanan ng buhay ko ngayon... hahaha :DDD salamat po sa pag share nito sa mga taong...
  • michelle paloma: my comment please try to correct the name of PHILIP PALOMA not PHILLIP ALOMA. thanks...
  • Yas: ate!!!...
  • nessy: :( ....kung mayaman lang ako. kaso meron ding iba na abuso na pag natulungan. nakakaawa.. nakakainis... meron dito ate, kung san ako nag aabang ng jeep pauwi, isang batang babae,...
  • Paulo Ivan Leo D.M Mendoza: nice one! you made a very awesome explanation regarding Brain drain. thank you.......
  • Yas: dumaan muli...ehe gulat ka no? tagal na din. xori xori......
  • jeremiah: nice. :)...
  • francis desembrana: ....siguro, marami ngayong nangingibang bansa kasi mahirap ngayon ang buhay sa pilipinas at gusto nilang maghanag ng pagkakakitaan sa pilipinas dahil wala naman silang makukuha dito sa pilipinas eh!!!!...
  • mysh: hellow! ay kanami kang imu nga blog tyay",) i love it early 80's man by ako. ginapanan aw ko man ang mga eksperyensya ko samtang gna basa imu sulat",) more...
  • gustongmagingmanhid: how late in the 70s? hehehe i remember na naging playground ang kalye tuwing gabi... halos lahat kaming bata nasa labas at naglalaro... sarap ng buhay dati! masarap pa rin naman ngaun... pero...
  • david: i am late 70's kid. i enjoyed the simple things in life before; bus na walang aircon, tumbang preso sa kalye and now, the internet. Pero 20/20 pa rin...
  • gustongmagingmanhid: elow iceah.. ye im from mindanao, cotabato city to be exact......
  • iceah: happy birthday to your little boy c:...
  • iceah: tama ka dyan pati anak ko he is 3 now and going 4 this april c: medyo bugoy din c: kids now a days are smart c: i can't help...
  • abou: happy bday din! nakisawsaw lang he he...
  • gustongmagingmanhid: bugoy mo lng? daghan na questions tas kung tubagon nmo naa sya sarili nya explanation ... hayy, ana jud di ay!...
  • ceLiah: happy birthday!! yate! big boy na jud sha, chie! :D .. seen him and was able to talked to him.. smart boy. :D bugoy lang jud. hehehe....
  • gustongmagingmanhid: ateekkk!!!! hehehehe san-o gimik ta?...
  • adelic: baskog!!! this is the best entry ever!...
  • billie: nice one,,,, hope i can smile like that too,,,,,...
  • ellyn: wahh...kahilak man pod ta ana oi, asa man xa karon proud man to xa bah! I can feel it............

Mensahe!

jj:

boring na blog mo aTe
gawa ka daw tungkol sa jejemon

jj:

boring na blog mo

gustongmagingmanhid:

@eyoy: salamat ha… kung may maidagdag ka na kaisipan, nasa iyo ang kalayaan… salamat ulit…

eyoy:

love your blogs esp brain drain, its true..keep blogging

gustongmagingmanhid:

salamat sa mga dalaw hehehe jillian don’t call me ma’am here hehehe

jellian:

maam, gud pm pouh.. d talaga kmi marunong…..

jellian aldamar:

’m one of those people who gets excited by the idea of a new experience (like growing giant pumpkins, learning Mandarin, or knitting a cardigan) but who completely ignores how busy my life is already.

jellian aldamar:

The leaves’ color transforms to an autumn palette as the brisk cool breeze sweeps through Silicon Valley…charrrr

jellian aldamar:

ay abi naku wala pa, naa na diay…….pagka nalng

jellian aldamar:

hi maam,,,,

jellian aldamar:

hi maam,, how are u? and have a nice day…

jellian aldamar:

hi. maam,,,, have a nice day…..

jellian aldamar:

hi maam,,,,have a nice day,,,,how are u?

musa, n:

Hi mam,
N open kona blog u. mganda mrmi akong magandang nbasa dito..tnx 4 sharing ur blog.

gustongmagingmanhid:

salamat sa mga dalaw at paramdam…

ako:

como estas?
busy?
bakasyon ka na kc dito

nessy:

buti pa kyo ni ate, nagkita na… kami mag 2 years ng wala…. hahay…

sweetbayag:

nice!! more power!!
http://adobongkangkong.blogspot.com

JAY:

AKO PEDE RIN BANG MAKIRAAN?!

enday:

ho ho ho.. Maligayang Paskow!mula sa bonggang bonggang enday. papasko ko?

Leave a message ▼