Brain drain
Thursday, April 3, 2008Brain drain.
Una ko yang narinig sa English teacher ko nung high school. Eto daw yung pagsialisan ng mga professional, trained and talented individual para maghanap ng greener pasture sa ibang bansa. Binanggit ni Ma’am ang posibleng pagkaubos ng taong yaman ng Pilipinas pag patuloy ang madugong brain drain. Paano na raw kapag nagkasakit tayo at pagdating sa hospital hindi agad maasikaso kasi kulang sa doctor o nurse. Paano raw magkaroon ng mga doctor, nurse, teacher kung ang mga guro ay aalis para mging DH sa Hongkong, Kuwait o Singapore.
Ang ganda ng pagka deliver niya ng kanyang monologue na halos nahulog ang buong klase sa pangakong hindi iiwan ang Pilipinas sa sandaling magtatapos kami sa college.




