Orasyon
Saturday, February 2, 2008The Angelus is a short practice of devotion in honour of the Incarnation repeated three times each day, morning, noon, and evening, at the sound of the bell.
SA ating mga Filipino, ang orasyon ay karaniwang sa evening, 6 pm. Ewan ko lang sa iba kasi yan ang nakamulatan ko sa Lola ko. Pagkatapos nga ng orasyon, isa-isa kaming pipila para magmano. Tapos nun ang masarap na parte, hapunan. Hindi ko matandaan kung lagi ba kaming nag-oorasyon nuon, hindi ko rin matandaan kung bakit at paano ito natigil bilang tadisyon ng pamilya.
6 pm.
Rush hour.
Nakatigil ang mundo. Kung kelan ka nagmamadali, saka nagiging mabagal ang lahat. Ironic, sabi nga ni Alanis Morrissette.
6 pm.
Oras ng uwian. Parang lahat ng tao ibinuhos sa kalye.
6pm.
Ayokong umuwi sa ganyang oras. Hindi dahil ayokong maipit sa matinding traffic. (May traffic jam sa major street ng Iloilo pag ganitong oras. Next big thing kasi ang city kaya kaylangan may traffic jam, essential yan).
Hindi rin naman iilang beses akong nasubok sa mga ganitong oras ng pag-uwi. Sumabay sa maraming tao, paunahan sa pagsakay ng jeep. Oras kasi ito ng uwi ng working masa, ng mga estudyante, ng kung sinong galing sa kung saan at kung saan patungo. Lahat nagmamadali kasi may naghihintay sa kanila o meron silang kaylangan sunduin. Excitement ang nakabalandra sa bawat mukhang makakasalubong mo (parang tarpulin sa Diversion Road). Excited yata cla sa mga kuwentong pasalubong at sasalubong sa kanila. Excited rin sila sa mga yakap at halik na mag-aalis sa mga pagod na katawan.
Ang ilan, mga nag-aantay sa mga inaasahang darating. Isang simpleng dinner date bago umuwi o kaya daan muna para may pasalubong na mabitbit. Ang iba, kuntento na kahit sa jeep lang man makasabay.
Orasyon. Rush hour. Uwian.
Ayokong umuwi sa mga oras na ito. Hindi ako nagmamadali kasi walang nag-aantay sa akin. Walang yakap at halik na magpapawi ng pagod ko, walang nag-aantay sa mga kwento ko. Hindi rin naman ako mag-aantay para sa isang kasabay sa pag-uwi.
Ang aabutan ko ay isang kahon na pansamantalang himlayan ng puso at kaluluwa kong balot ng lungkot.
Previous Comments
cheer up bayyyyyoooowwwwt
wahaha
regards mo ko kay m_____ ha!!!hehe
Posted by jinggoy puge at February 6, 2008, 5:52 pm@ jinggoy puge - cheer ka up ka ja! ikaw lang regards sa imo kaugalingon. hehehe…
@ Nasasanay - pagmalungkot ka ba wala ng lugar ang buhay mo para sa mga taong mahal mo? pwede rin namang magtanong ng ” pag masaya ka, san ako sa buhay mo?”
Posted by gustongmagingmanhid at March 13, 2008, 7:10 pmang ganda naman ng posts na to..ang deep..
hehe..
msarap talagang magsenti minsan..
salamat enday!
Posted by gustongmagingmanhid at June 17, 2008, 12:13 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





Ask ko ang friend ko na basahin nya ito. Noong natapos nya basahin.
“So?” Tanong nya.
“Paano kung GF mo yan?” Tanong ko.
“Well, tatanongin ko sya ng…Saan ako sa buhay mo?” Sagot nya
Posted by Nasasanay at February 4, 2008, 6:41 pm