Bahay ni Lola
Friday, December 21, 2007Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo
Pagpasensyahan mo
plaka.Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin
akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng
Pagpasensyahan mo
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong nakakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo
Pagpasensyahan mo na
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
Baliuag, Bulacan
While reading the letter, parang gusto kong umiyak. I remembered my Lola. No, hindi naman siya minaltrato ng mga anak nya, in fact, mahal na mahal siya ng buong pamilya. Taas ng respetong binigay sa kanya.
Si Lola ang Ina ng Laging Saklolo ng pamilya. Kahit anong problema, kapag siya nilapitan, wala man siyang maibigay na concrete na solusyon pero aalis ka na naliwanagan at may natutunan. Walang masamang tinapay sa kanya, lahat tanggap niya. Mga anak na matigas ang ulo, mga apong pasaway, minsan nga pati kapitbahay nagpapaampon na sa kanya.
Si Lola rin ang unang yumakap sa akin pagdating ko ng bahay mula sa ilang buwang paglalayas. Umiyak siya, hindi ako umiyak (astig ako eh). Naalala ko pa, pinagluto nya agad ako ng agahan tapos pinakain. Kay Lola ako lumaki kasi naman hindi kaya ng nanay ko ang kumuha ng yaya para bantayan kami habang nasa trabaho sila. Hindi pa ako pumapasok nuon at kami lang usually ang naiiwan sa bahay buong araw. Sa gabi, sa kanya ako tumatabi. Kapag nagbabakasyon siya, kaylangan kasama ako. Hindi nya ako iniiwan pero nung nagsimula na akong pumasok ng elementary at high school, konti na lang yung oras na nagsasama kami. Mas lalo na nuong college, bumuo ako ng sariling mundo, hindi siya kasama.
Hindi ko napansin na naging manlungkot ang buhay ni Lola, akala ko kasi buhay ko na ang pinakamalungkot sa lahat ng buhay na nakita ko sa loob ng tahanan niya.
Nagsimula ang lahat ng iniwan siya ni Lolo. Maraming nagsasabing magiging magaan na ang lahat kapag wala na ang kahati niya sa buhay. Kilala ng lahat kung gaano kapasaway ang Lolo ko. Pero hindi pala. Siguro nga true love kasi naging walang kwenta ang mga araw niya nuong walang Juaning na panay ang utos at tawag sa kanya. Marami pang kuwento tungkol kay Lola, marami pa. Pero hindi ko yata masasabi ngayon, kasi kapag naalala ko, mas lalo lang lumalaki yung space na iniwan niya.
Limang araw na lng mula ngayon, uuwi na ako. Walang Lolang sasalubong sa akin katulad nung nangyari limang taon na ang nakakaraan pero ganun pa man uuwi pa rin ako sa Bahay ni Lola.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



wahh…kahilak man pod ta ana oi, asa man xa karon proud man to xa bah! I can feel it………
Posted by ellyn at September 4, 2008, 5:44 pm