Inggit Sa Paglaya
Thursday, December 6, 2007Ang Text
Kiat, bad news! — text ni Kathy Friendster Shout Box
Ano? Terminated na ako? — reply ko
Gaga! Hindi pa hehehe… Ung pulubing kinunan mo ng pix kgbi, patay na! — si Kathy
Huh! Dpat pala change ko prim pic ko sa frenster, baka multuhin ako! – ako!
Lol! - Kathy
Please pray for this guy’s soul. He was found dead the next morning same spot where this pic was taken. Mabuti pa siya, tapos na’ng paghihirap nya sa mundo!
His spot – sa harap ng Book World na nasa tabi ng isang Hotel dito sa Iloilo City.
Ang kwento – ayaw niyang tumanggap ng kahit anong limos ng kahit sinong passers by sa sidewalk na yan. Ang kinakain nya galing sa pinaghirapan nya. May pride, gustong ibangon ang dignidad.
Katulad ng ibang taong grasa, may sarili siyang mundo. Nakatingin sa kawalan, walang pakialam kung hindi presentable and suot sa lahat ng nakakita.
Minsan, kinaiinggitan ko ang mga taong may kalayaan. Mga taong may laya kung paano nila bubuohin ang mundong gusto nilang galawan. Nakakainggit ang laya nilang mag-isip ng kung anong gusto nila isipin. Nakakainggit ang laya nilang maging Malaya kahit pa puno ng panghuhusga ang self-righteous society na walang layang aminin ang puro impokritong galaw ng bawat isa.
May mga tanong ako na alam kong wala ng sagot.
Habang sa gabing nakahiga siya sa malamig na semento, ano kaya ang nasa isip niya?
Ramdam ba niya ang nanunuot na ginaw ang lamok at kung anong insektong ayaw siyang patulugin?
Naisip nya ba na sana, nasa sarili siyang kama, na nasa sarili niyang kuwarto, na nasa sarili niyang bahay?
Naalala ba niya ang yakap ng sarili niyang ina, ama, ate, kuya, o bunsong kapatid?
Na missed ba nya ang yakap ng kanyang mahal?
O baka naman iniisip nya na sana naiisip siya ng mga importanteng tao sa buhay niya?
Umalis siya sa mundo na nag-iisa, giniginaw, malungkot.
Yan ang ending niya.
Mas nakakatakot nga yatang pumanaw na hindi man lang nakapagpaalam at nakapagpasalamat sa mga taong naging bahagi ng buhay mo, lalo ng sa mga taong naging buhay mo!
Sa ngayon, malungkot ako dahil nandito ako sa lugar na malungkot. Sabi ko nga, uuwi rin ako, baka bukas o kung kelan itutulak ng pagkakataon.
Naiinggit ako sa kanya. Tapos na ang lungkot niya. Ako kaya, kelan matatapos?
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



ganda..di ko akalain na pagkatapos ko basa sa article na ito,papasok pa sya sa panaginip ko.
Posted by mark at December 11, 2007, 8:59 pmSa panaginip ko parang gusto nyang tumayo sa papagitan ng dalawa nyang paa pero di nya kaya..
Kaya pinipilit nyang gumapang papunta sa kanyang pwesto dun sa posteng kanyang kinahihigaan sa pic..
pero nakikita ko sa mukha nya na masaya naman sya..