Alam mo na ba?
Thursday, August 2, 2007Dumating ka sa buhay sa isang pagkakataon na hindi ko inaasahan. Hindi kita kaylangan, hindi ko kinakailangan nang kahit sino sa buhay ko. Hindi ko binigyang pansin ang pagdating mo. Sabi ko sa isip ko, aalis ka rin kapag ipinaramdam ko sa’yo ang pagbabalewala. Pero hindi, wala na akong magawa, andiyan ka na eh.
May nagbago agad sa akin. Ako pa rin naman ako. Ganun pa rin naman ang molecules na bumubuo sa katawan ko pero highly-charged na ang mga ito. Kapag nagpaparamdam ka, halos mabaliw ang bawat cell sa sistema ko. Naglulundagan, parang baliw na nag-aamok, parang lamok na carrier ng dengue na nasa loob ng kulambo, parang addict na lowbat at gustong tumira.
Noong inamin ko ang pagdating mo , punong puno ng sari-saring emosyon ang puso ko. Sa sobrang gulo, kahit ang trilyon-trilyong neurons sa utak ko hindi ito kayang i-dentify.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Nag-isip kung ano talaga ang papel mo sa akin at ako sa iyo. Katulad ng pagpupumilit kong ayusin ang lahat ng basura sa loob ng cabinet ko, pinilit kong kilalanin at makipagkilala sa lahat ng emosyong huma-hunting sa katauhan ko.
Meet and greet.
Nakilala ko ang saya. Happiness. Natuwa ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Siguro kasi dumating ka na, hindi na ako mag-iisa. Kahit hindi ka pa nangangako na hindi mo ako iiwan pagdating ng panahon, ako, sa sarili ko nangangako na kahit na anong mangyari, hindi kita iiwan.
Excited na ako. Excited akong makilala ka ng lubusan. Alam ko na sa pakikipagkilala ko sa’yo, mas lalo kong maiintindihan ang mundo, ang buhay at ang sarili ko.
Ano kaya nag paborito mong pagkain? Ano kaya ang gustong gusto mong isuot? Mahilig ka rin kaya sa looney tunes at anime? Sa horror movies? Sana sabay aayong mag soundtrip. Sana pareho tayong adik sa tulog kapag umuulan.
Takot. May takot rin na bumabalot sa akin. Takot na baka hindi ko kakayanin ang pressure para ma-impress kita. Paano kung hindi ko kaya ang buhay na gusto kong ibigay sa’yo? Pa’no kung ayaw mo pala sa’kin? Pa’no kung ang totoo, hindi ka para sa’kin?
Dahil sa mga takot ko, pilit kong ginigising ang lakas ng loob at tapang kahit hindi ako sigurado kung meron ako. Andiyan ka na, ilang hakbang na lang, andito ka na sa tabi ko.
Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang tibay at lakas ng loob para ipaglaban ka sa mundo. Gustong kong ipaalam sa lahat na akin ka na, na tayong dalawa na ang sabay na maglalakbay sa buhay.
Alam mo ba na sa unang ngiti mo pa lang sa’kin, para nang pinahiram ni darna ang bato niya? Kayang-kaya ko na yata lahat. Ganun katindi ang tama mo. Sobra pa sa shabu ang amats na nararamdaman ko. Smile pa lang yan ha!
Kung dati walang direksyon ang buhay ko, ngayon pinipilit kong tahakin ang tamang daan. Kahit baku-bako, kahit maputik, maalikabok, mainit, maulan. Kahit takutin pa nila ako na may nag-aabang na multo,aswang, baliw, adik, rapist, serial killer, pulis na nangongotong, corrupt na politician, cute na crush ko, tutuloy pa rin ako, hindi ako titigil.
Kung tatanungin mo ako kung bakit hindi ako matatakot, aaminin ko na matindi ang takot na nasa puso ko pero mas malakas ang puwersa ng determinasyon kong maging maayos ang lahat sa buhay ko.
Samahan mo ako, hawak-kamay tayo. Kasi mas madali para sa’kin ang lahat kapag alam ko na kasama kita. Kapag may pagkakataon man na bibitiw ako sa pagkakahawak sa’yo, huwag kang mag-alala hindi ako sumusuko. Kailangan ko lang hawakan ang marupok na tulay para makatawid ka ng hindi nahuhulog, hindi masasaktan.
Kung pwede lang na hindi mo makilala ang tinatawag na sakit, paghihirap at lungkot tulad ng pagkakilala ko nito, gagawin ko. Itatago kita sa sa kalupitan ng buhay, ng mundo, ng ibang tao. Pero kailangan nating tanggapin na magulo ang mundo, malupit ang buhay. At ako? Puno rin ng ligalig.
Hindi ko maipapangako sa’yo na pwede nating i-bribe ang buhay para maging kakampi natin. Isang pangako lang ang ibibigay ko sa’yo. Hindi kita iiwan kasi andito ka na, hawak ko na uli ang buhay ko. Ikaw ang buhay ko.
Siguro naman alam mo na. Mahal kita!
Previous Comments
weeeeeeeeeee…..da best! astig talaga! sanamagan,topgun,ow wow,betchabay gale wowww…yahoong yahooooo…..cool,cool ka talaga ma men…as in,inborn mo na talaga ang pag ka poetic mo…ang swerte mo naman pareng AL*** kaw ata ang pinatatamaan dito…ehehehhe….wish ko lang,sana magkatuluyan na nga kau….lakas mo talaga kay kasamang glen…PEACE! (gawa ka pa ulit tulad nito glen ha) ^_^
Posted by YhObRocK at August 14, 2007, 11:09 ameduard, adik ka tlaga! hehehe inuuto mo ko eh cge na nga kunyari ngpauto ako hehehe
cris, tnx for reading sa mga kakornihan ko hehehe..
Posted by gustongmagingmanhid at August 14, 2007, 1:35 pmby far the best blog i’ve ever read about welcoming a new life into ur life, facing ur fears and facing the future headstrong…..rOck On!!!!!
Posted by braindeadpinkchickensheet at September 22, 2007, 1:03 pmganda..relate aku
Posted by bhaybienix at June 23, 2008, 10:58 amgaling po nito… kayo po ba nagsulat nito… para kasing tumutugma ito sa mga pinagdadaanan ng buhay ko ngayon… hahaha
DD
salamat po sa pag share nito sa mga taong katulad kow… hehehe
DD
salamat po uli at mabuhay po kayo…
DD
yan ang tinatawag na real life.. dahil nasa totoong buhay tao, maaring ang naranasan ko o mararanasan ay naranasan mo na rin o mararanasan pa.. iba ibang sitwasyon, iba ibang anyo pero iisa pa rin ang tawag : LIFe. salamat po sa pagdaan
Posted by gustongmagingmanhid at September 2, 2009, 8:13 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





nakaka-tats!!!
Posted by cris at August 13, 2007, 9:08 amnaiyak ako!!!!
haaayyyy!!!