Oist, beer pa!
Friday, June 29, 2007Consciousness is a consciousness of something rather than itself.
Sabi yan ng isang phenomenologist, ewan ko kung sino at kung kanino nya sinabi. Pero narinig ko yan sa teacher ko dati nung college ako. Yung teacher ko (lalake siya) kung pumasok sa klase panyo lang at saka eraser yung dala. Madalas niyang pinapampunas ang panyo nya sa whiteboard at ang eraser (piece of tela lang kasi) sa mukha nya. Hindi siya conscious hehehe pero pag nagsimula nang magbulungan at ngumisi ng parang aso at kabayo ang klase bigla siyang nagiging conscious.
Matalino siya, oo! Kabisado nya ang tinuturo. Hindi siya yung tipong galit agad at biglang magpapa quiz kapag may tanong ang estudyante na hindi niya masagot. Lahat dinadaan niya sa diplomasya. Bilib ako sa kanya kasi meron siyang powers (related sa hipnotismo siguro ang attributes) na pakalmahin ang klase. Hindi ko matandaan pangalan niya at nakalimutan ko na rin kung anong itsura niya pero tumatak sa isip ko ang ilan sa mga turo niya na natutunan rin niya malamang sa guro niya na natutunan rin ng guro niya sa gurong nagturo na…..
Ang explanation niya sa saying (?) quotation (?) basta…
Ang phenomenology kasi ay study ng personal experiences or the reflective study of the essence of consciousness as experienced from the first-person point of view (wikipedia). Kapag hindi mo na experience ang isang bagay, hindi ito nag iexist. Kapag hindi ka naging conscious sa isang bagay, wala itong meaning or hindi nga nag iexist at all.
So kapag hindi mo alam o hindi mo na experience or let say hindi ka conscious na may upuan sa kabilang room, walang upuan sa kabilang room. O pwede rin na walang kabilang room. Same thing, kapag dinenay mo ang isang existence, wala pa rin itong kwenta. Kahit nakaharap ka na sa isang upuan pero hindi mo ito ginamit at umupo ka sa sahig, walang upuan. Kapag tinawag mo ang isang bagay sa ibang pangalan, yun ang magiging pangalan ng bagay na iyon. Kapag tinawag mong mesa ang upuan, at umupo ka sa sahig, magiging mesa ang upuan at ang sahig naging upuan.
Lover’s moon. Nagiging lover’s moon ang lover’s moon kapag may lovers na nag aapreciate nito. Kapag wala, simpleng moon lang siguro siya. O kung hindi ka napatingin sa moon, hindi mo naexperience at hindi ka conscious na may moon, walang moon sa langit o walang langit. Kapag tinawag mong planeta ang moon, planeta siya. (Planeta ba ang moon?) Parang ganun!
Lahat kontolado ng sariling utak ng tao. Lahat kaylangan munang ma-experience at i-affirm para magkaroon ng existence.
Ini-explain ko ito kay BB, officemate ko sa dating pinagtatrabahuan. Ganado ako habang inuubos namin ang ilang bote ng beer. Tumatango-tango siya at nagtatanong din naman… Interesado…
“BB, bago pa lang tayo nagkita at nagkakilala, walang BB sa mundo sa far as I’m concern. Bakit, ikaw ba alam mo na may isang katulad ko na naglalakad sa mundo?”
Napaisip siya. Saka niya ibinagsak ang isang nakakakilabot na tanong!
“So kaya ba hindi ka naniniwala sa Diyos?” seryoso ang tono, nakatitig sa akin habang nasa ere pa ang inuubos niyang inumin.
Iniiwasan ko ang tanong na ito, ayaw ko kasi na paulit-ulit akong tanungin sa isang bagay na hindi ko naman sila ma-satisfied sa isasagot ko.
“Neutral ako dyan. If you think na meron nga, good for you,” simpleng sagot ko.
“Bakit?”
Saka ko narealized na tumatalino siya kapag may kargang beer, parang ginseng niya.
“Wala!” sagot ko.
“Anong wala? Wala kang sagot sa tanong ko?”
“Sige, ganito na lang,” madiplomasya kong sagot. “Tinawag ko sa ibang pangalan ang kilala mong Diyos.”
“Anong pangalan?”
“Hmmm…Pwedeng BB na lang din?” ngumisi ako.
“Gagah! O beer pa!”
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


