Ngiti
Monday, June 25, 2007Hikab! Pang ilan na nga ba? Pati yata sa pagbibilang hindi ko na kinaya sa sobrang antok. Aabutin pa yata ako ng second coming of Christ sa paghihintay pero hanggang ngayon, narito pa rin ako.
“Maguwa na!” (Aalis na!) sigaw ng konduktor sa wakas.
Siguro ay tinablan na si Manong Driver sa mga nagbabagang mata mula sa akin at sa iba pang mga pasahero. If looks could kill, hindi lang double dead si Manong. Sa una mabagal, yun pala we’re preparing to take off. Ilang segundo pa lumipad na ako sa pangunguna ni Manong Driver na bigalng nagtransform sa pagkapiloto. Hindi basta ng erplen ha, jetplen! Kahit pilit akong hinihila ng antok, hindi ko nagawang pumikit. Baka kasi sa pagdilat ko nakangiting anghel or worse nakangising si Taning pa ang mamulatan ko.
Bigla kaming naglanding.
Akala ko malaking bag ang sumakay pero bata ang umupo sa harap ko. Kumaway siya at ngumiti. Hindi sa akin, sa nanay niya.
Inosenteng ngiti. Parang tranquilizer sa kung sino man ang pag-ukulan nito. Puno ng assurance.
Gusto ko malaman kung anong gusto niyang i-assure sa nanay niya.
Gusto ba niyang sabihin na:
“Nay, wag kang mag-alala pagbubutihin ko ang pag-aaral.”
O kaya..
“Nay, iaahon kita sa hirap. Magiging sikat na doctor ako.”
O baka…
“Nay kung hindi mo na ako kayang pag-aralin, sasali na lang ako sa starstruck.”
O di kaya…
“Salamat sa baon nay.”
Nainggit ako. Hindi sa baon niya.
Sana at the end of the day, may chance akong ngumiti tulad ng ngiti ng batang kaharap ko. Yung ngiting gustong ipaalam sa mundo na naging makabuluhan ang buhay ko sa buong araw. Yung ngiting may assurance na may magandang bukas para sa akin. Yung ngiting reflection ng inner peace. Yung ngiting galing sa puso, kahit hindi na inosente.
Syet! Lumampas ako!
Manong, paraaaaa….
*Just came from work
6:00am March 6, 2007
San Miguel, Jordan Guimaras




