Oist, beer pa!
Friday, June 29, 2007Consciousness is a consciousness of something rather than itself.
Sabi yan ng isang phenomenologist, ewan ko kung sino at kung kanino nya sinabi. Pero narinig ko yan sa teacher ko dati nung college ako. Yung teacher ko (lalake siya) kung pumasok sa klase panyo lang at saka eraser yung dala. Madalas niyang pinapampunas ang panyo nya sa whiteboard at ang eraser (piece of tela lang kasi) sa mukha nya. Hindi siya conscious hehehe pero pag nagsimula nang magbulungan at ngumisi ng parang aso at kabayo ang klase bigla siyang nagiging conscious.
Matalino siya, oo! Kabisado nya ang tinuturo. Hindi siya yung tipong galit agad at biglang magpapa quiz kapag may tanong ang estudyante na hindi niya masagot. Lahat dinadaan niya sa diplomasya. Bilib ako sa kanya kasi meron siyang powers (related sa hipnotismo siguro ang attributes) na pakalmahin ang klase. Hindi ko matandaan pangalan niya at nakalimutan ko na rin kung anong itsura niya pero tumatak sa isip ko ang ilan sa mga turo niya na natutunan rin niya malamang sa guro niya na natutunan rin ng guro niya sa gurong nagturo na…..
Ang explanation niya sa saying (?) quotation (?) basta…
Day off
Wednesday, June 27, 2007Nung una parang uhaw na uhaw akong sumabak sa trabaho. Isipan ko lang ang mga sinayang ko na oras at panahon pagkatapos kong grumaduate nung college, parang malaki iyong pagkakamali. Kaya nung mgaka-chance ako na mapasok sa isang NGO dito sa Guimaras, hala! parang ayaw ko nang dumating ang 5pm, yokong mag log out! Hindi naman sa gusto ko agad na yumaman, major reason ko lang ay malungkot kapag maaga akong nakakauwi sa bording house ko. Hindi pa ako nakuntento, nag-apply pa ako bilang part-time editor sa isang local paper sa Iloilo. 7 days a week na ako kung kumayod, walang pahinga. Halos hindi natutulog at laging wala sa tamang oras ang kain. Pero napansin ko lang, kulang pa rin sa kin ang natatanggap kong sahod, bitin pa ring panggimik at pangload. Exhausted na rin ako at drained. I decided na pumili na lang sa dalawa kong trabaho. Mas pinili kong mag full time writer/editor. Ok naman ang sahod, libre pa 24-hrs internet. Mag-one year na ako sa work ko. Ang tanong ko lang…
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako hindi pwede mag day off?
Gusto ko mag day-off! Kaylangan kong labhan mga hinubad kong damit or else hubad akong papasok sa trabaho. Pag day offin nyo ako!!!!
Ngiti
Monday, June 25, 2007Hikab! Pang ilan na nga ba? Pati yata sa pagbibilang hindi ko na kinaya sa sobrang antok. Aabutin pa yata ako ng second coming of Christ sa paghihintay pero hanggang ngayon, narito pa rin ako.
“Maguwa na!” (Aalis na!) sigaw ng konduktor sa wakas.
Siguro ay tinablan na si Manong Driver sa mga nagbabagang mata mula sa akin at sa iba pang mga pasahero. If looks could kill, hindi lang double dead si Manong. Sa una mabagal, yun pala we’re preparing to take off. Ilang segundo pa lumipad na ako sa pangunguna ni Manong Driver na bigalng nagtransform sa pagkapiloto. Hindi basta ng erplen ha, jetplen! Kahit pilit akong hinihila ng antok, hindi ko nagawang pumikit. Baka kasi sa pagdilat ko nakangiting anghel or worse nakangising si Taning pa ang mamulatan ko.
Bigla kaming naglanding.
Akala ko malaking bag ang sumakay pero bata ang umupo sa harap ko. Kumaway siya at ngumiti. Hindi sa akin, sa nanay niya.
Inosenteng ngiti. Parang tranquilizer sa kung sino man ang pag-ukulan nito. Puno ng assurance.
Gusto ko malaman kung anong gusto niyang i-assure sa nanay niya.
Gusto ba niyang sabihin na:
“Nay, wag kang mag-alala pagbubutihin ko ang pag-aaral.”
O kaya..
“Nay, iaahon kita sa hirap. Magiging sikat na doctor ako.”
O baka…
“Nay kung hindi mo na ako kayang pag-aralin, sasali na lang ako sa starstruck.”
O di kaya…
“Salamat sa baon nay.”
Nainggit ako. Hindi sa baon niya.
Sana at the end of the day, may chance akong ngumiti tulad ng ngiti ng batang kaharap ko. Yung ngiting gustong ipaalam sa mundo na naging makabuluhan ang buhay ko sa buong araw. Yung ngiting may assurance na may magandang bukas para sa akin. Yung ngiting reflection ng inner peace. Yung ngiting galing sa puso, kahit hindi na inosente.
Syet! Lumampas ako!
Manong, paraaaaa….
*Just came from work
6:00am March 6, 2007
San Miguel, Jordan Guimaras
Insomia
Sunday, June 24, 2007Nakaupo sa kama
mga kamay nasa unan
ang kumot nasa paanan.
Nakatitig sa dingding
habang nakatitig ang dingding sa akin.
Ayaw pansinin ang bombilya
na siyang araw sa apat na sulok ng mundo
na ayaw umikot
sa katahimikan nababalot.
naghihintay.
Ilang milyon na nga ba
Ang tupang nakapila?
Nagtakbuhan.
sa mga butiking naghabulan.
Magsyota kaya ang mga umeksena?
Bago pa ang sagot
nagulat ang dalawang kamay
na patuloy sa pagtakbo
Sa tili ng sabungerong kapitbahay ko.
Alasais na pala.
Makatulog na nga.
Gustong maging manhid
Saturday, June 23, 2007Things messed up.
There was never a good reason why things messed up, it just did! This was not an unfortunate event. People choose to do it.
Even though people were presented with cornucopia of choices and could still choose only one – only one – it was remarkable how one would pick that messed up things.
I recognized that when people start f**king up things, they f**ck me too. No matter how clever little business I had built in my life, I have to master the pain of gripping for fear that I might fall. It isn’t good luck that makes life works. It is all hard graft and vision but a bad reaction to stimulus – let us call it – bad luck – could mess things up.
I knew that no matter how clever I am, how hard I work; bad luck could confuse me up.
I blamed it all to the phenomenon called interconnectivity. We are all interconnected. The S-R Theory. It is a non-stop stimulus-response cycle. The stimulus that stimulates my reaction is the reaction of other people’s reaction which is stimulated by other people’s stimulus. Or vice-versa. Or whatever.
It always comes full circle, now it makes me nauseous. I want to step out in the cycle, in the redundancy of things. I want to watch people f**cking up other people who mess up other people and let them hear me laugh out loud.
I want out for a whole time – if I can’t break the cycle.
But how?
The question is hard to bear because I know I have been bottled up in the sequence. I have to live with that. I am bottled up, no escape. No end to this conflict.
Someone says I should do what I think is right. And I say there’s no such thing as the right thing. No matter how I exert effort to do what is best for me, things would simply clutter for me.
Last resort. I have to anesthetize myself. Kaya nga gusto ko maging manhid.


